Friday, March 14, 2008

III. Mga Katangian ng Teknolohiya na nagiging dahilan ng sakit na kanser

Sang-ayon ang mga siyentipiko ngayon na may isa pang uri ng polusyon ang hindi nabibigyang pansin, hindi na aamoy, hindi nakikita ngunit may potensyal na nakamamatay. Mga electromagnetic frequencies na nilalabas ng mga kagamitan sa bahay na ginagamitan ng kuryente, tulad ng telebisyon. Ang mga electromagnetic frequencies na ito ay tinatawag na Radyasyon.

Ang radyasyon ay isang anyo ng enerhiya na matatagpuan sa paligid natin. May iba-ibang uri ng radiation, ang ilan sa mga ito ay nagtataglay ng mas maraming enerhiya kaysa iba. Ang dami ng radiation na inilalabas sa kapaligiran ay sinusukat sa mga yunit na tinatawag na curies. Gayunman, ang dosis ng radiation na natatanggap ng isang tao ay sinusukat sa mga yunit na tinatawag na rem. (http://www.bt.cdc.gov/radiation/tagalog/pdf/emergencyfaq.pdf)

Ang mga tao ay nahahantad sa kaunting radiation araw-araw, mula sa likas na nagaganap na pinanggagalingan (tulad ng mga elemento sa lupa o cosmic rays mula sa araw), at mga pinanggagalingan na gawa ng tao. Sa mga pinanggagalingan na gawa ng tao ay kabilang ang ilang elektronikong kagamitan (tulad ng mga microwave oven at telebisyon), mga pinanggagalingang medikal (tulad ng x-ray, mga partikular na pagsusuri, at mga paggamot), at mula sa pagsusuri ukol sa mga sandatang nukleyar.

Ang Electromagnetic radiation naman ay ang mga nilalabas ng mga wireless device na mga bagay. At microwaves hindi lang nakukuha sa mga microwave ovens kong saan niluluto ang pagkain kundi sa mga malilit na bagay tulad ng remote control sa telebisyon, telepono, kompyuter signals at mga sasakyan. Ayon sa mga siyentipiko, ito daw ay tinatawag na electropollution. Sinasabi naman ng mga environmentalist na ito ay nakaka-apekto na sa mga kalusugan ng nila araw-araw na walang kaalam-alam sa masamang epekto naidudulot sa kanila.
Meron pang iba't-ibang uri ng radyasyon tulad ng mga Infrared, Bluetooth at Signal na tinatransmit ng mga cellphone ay nakakadagdag din sa nahahantad na radyasyon sa kapaligiran.

Sa katunayan, ang inyong minamahal, mga anak at pati na rin ikaw ay mas expose na sa electromagnetic frequencies, electromagnetic radiation, at microwaves kaysa sa mga lolo at lola niyo na hindi masyadong nakakagamit dati ng mga bagay high-tech.

At ngayon, isa sa mga pinagmulan ng tinatawag nilang electropollution, ito ay ang gamit-gamit niyo araw-araw upang makipag-komunika at kadalasang ginagawa na din libangan ng karamihan, ang cellphone. Noong 1993 ay may isang napabalitang insidente na ang may tao na sinampahan ang isang kompanya ng cellphone dahil sa nalaman na ang brain tumor ng kanyang asawa ay dahilan sa sobrang paggamit ng cellphone. Isang brain tumor na kahugis daw ng antenna sa cellphone na ginagamit ng kanyang asawa. Na nagtulak sa industriya ng cellphone upang patunayan lamang na ang cellphone ay hindi nagbibigay ng ganoong epekto sa mga gumagamit nito. Ngunit sa kabila ng gustong mangyari ng industriya ng cellphone ay ang napag-alaman na totoong ito ay nagiging sanhi ng tumor sa utak ng tao na maaaring ma-develop sa cancer, neurological disorder at genetic disorder. Sinasabing 25% ang nagkakaroon ng cancer simula nang umusbong ang cellphone. At sa araw-araw nilang paggamit nito maaring sila din ay magkaroon na ng possibilidad na magkaroon na sila ng cancer.

Kung ikaw naman ay gumagamit ng laptop computer, at ito ay nilalagay mo sa iyong “lap” ito ay may malaking porsyento na maaring magdulot sa iyo ng testicular cancer. Ang Electromagnetic frequencies, electromagnetic radiation at ang microwaves ay nilalabas ng mga laptop kompyuter.

1 comment:

clar said...

mahusay na pag-aaral dagdag kaalaman to saakin Sakit.info