Marami ang umaasa sa teknolohiya dahil mas napapabilis nito ang mga gawain. Ipinapakita nito na mas lumalawak pa ang kaalaman sa pag-iimbento ng mga teknolohiya at kagustuhan na mapabilis ang pag-unlad ng bansa. Dahil sa nagiging moderno ang mga kagamitan ay napapadalas ang gamit sa mga ito. Alam ng karamihan na marami itong naitutulong pero mayroon din itong masmang epekto lalo na sa kalusugan. Maiging alamin ang mga ganitong bagay na maaring makasira sa buhay. Dahil importante ang kalusugan kaya hindi dapat itong pabayaan.
Kaya sa pananaliksik na ito napatunayan na ang labis na pag-aabuso sa mga teknolohiyang ito ay nakakasama sa ating kalusugan. Ito'y nagdudulot ng kapaguran o stress na tinatawag na kung lumala ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng kanser. Ang mga teknolohiyang ito ay naglalabas ng mga radyasyon na nagdudulot ng mga unti-unting pagbabago sa loob ng ating katawan. Dahil nga sa pagbibigay importansya sa mabuting naidudulot ng teknolohiya ay di na napapansin ang mga negatibong dulot nito sa katawan ng isang tao.
No comments:
Post a Comment