Ang teknolohiya ay nanggaling sa salitang Griyego na teknologia na ang ibig sabihin ay kasanayan sa sining. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadgets na ginagamit ang kalian lamang natuklasang proseso at prinsipyong maka- agham. Ang teknolohiya ay napapabilis ang mga gawaing dati ay mahirap gawin.
Likas nga’ng ang lahat ng bagay ay may kaakibat na masamang dulot. Kaya nama ito ang mga sumusunod na mga tanong:
- Paanong ang teknolohiya ay nakakadulot ng masamang epekto sa kalusugan?
- Anong mga uri ng teknolohiya ang mga ito?
- Ano-anong mga salik ang nakakapagdulot ng masamang epekto sa kalusugan?
Ayon nga sa kasabihan ang lahat ng sobra ay nakakasama. Alinsunod sa kasabihang ito na ang labis na paggamit ng mga teknolohiyang ito tulad ng telebisyon, cellphone, kompyuter at sasakyan ay nakakahigit ang nakakaapekto sa kalusugan.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay magbibigay impormasyon, babala at solusyon ukol sa mga teknolohiya na nakakapagdulot ng kanser. Mahalaga ang pananliksik na ito upang mapalawak ang kaalaman ng karamihan sa epekto ng teknolohiya sa komunidad.
No comments:
Post a Comment