Ang mga estudyante na madalas gumamit ng mga teknolohiya tulad ng kompyuters, telebisyon at cellphone. Ginagamit nila ito sa mga sumusunod na dahilan: (a) Upang makakalap ng impormasyon para sa mga gawaing pang-eskwelahan; (b) Pakikipagkomunikasyon sa iba’t- ibang lugar; (c) Napapabilis ang mga gawaing pampaaralan at; (d) Panlibangan.
Halos lahat ng teenagers ngayon ay gumagamit ng kompyuter, cellphone, telebisyon at iba- iba pa. Sa paggamit ng kompyuter, ay maraming na-aadik lalo na at mas nagiging moderno ito sa ngayon pati na rin ang pagkakaroon ng on-line na mga laro. Sa cellphone naman ay isang bisyo na ng mga teenagers ang paggugol ng oras sa kaka-text at kakatawag kahit hindi importante. Dahil sa pagkakaroon ng unlimited call at text ng iba’t-ibang network sa pilipinas ay mas dumadami pa ang gumagamit ng cellphone. Sa telebisyon naman ay halos hindi na makakain sa tamang oras dahil sa pinaka-aabangang pelikula at hindi na nalilimitahan ang panonood.
Ang mga estudyante at mga teenagers ay may malaking posibilidad na magkaroon ng cancer sa utak dahil ayon sa mga siyantipiko ay ang skull ng mga kabataan ay manipis at hindi pa nito gaanong nakakayang maprotektahan ang ating utak kaya madali itong maapektohan ng mga katangian at salik ng teknolohiya na nagiging dahilan ng kanser.
Ang ekonomiya ng ating bansa ngayon, ang komunikasyon, gawain at mga transaksyon sa pangangalakal ay napapadali at napapabilis na dahil sa paggamit ng mga propesyonal at mga mangangalakal ng mga modernisadong teknolohiya tulad na lamang ng mga sumusunod: (a) cellphone – para mapabilis na nila ang mga transaksyon sa madaling paraan; (b)kompyuter – para magkaroon ng organisado at madaling hanapin ang mga mahahalagang dokumento; (c) telebisyon – mahalaga ang telebisyon sa mga mangangalakal at mga propesyonal dahil dito sila nakakakuha ng mga impormasyon tulad ng balita tungkol sa ating ekonomiya na makakaulong sa kanilang mga negosyo at; (d) kotse – ginagamit nila ito upang mapabilis ang transportasyon.
Ang mga mangangalakal naman ay sa mga may posibilidad na magkaroon ng testicular cancer lalo na sa mga lalaki. Dahil sa kadalasang paglalagay nila ng kanilang mga cellphone sa kanilang mga bulsa. Kadalasan din nagdadala na sila ng PDA or personal digital assistant na isang uri din ng kompyuter na portable lang. kaya maari nadin nilang ilagay ito sa kanilang bulsa. Kaya naman madali lang silang maapektohan ng mga salik at katangian ng teknolohiya.
No comments:
Post a Comment