Ang pananaliksik na ito ay nais patunayan ang epekto ng labis na paggamit ng teknolohiya sa kalusugan ng tao. Ang teknolohiya na ginagawang mapabilis ang mga Gawain ay mey epekto sa ating kalusugan na amaring makapagdulot ng matinding pagod stress o di kaya ay kanser.
Ilan sa mga teknolohiya nito tulad ng telebisyon, cellphone, kompyuter at kotse ay naglalabas ng radyasyon na isang uri ng carcinogen. Ang carcinogen ay nagbibigay ng posibilidad na magkaroon ng kanser ang isang tao. Sinasabing ang radyasyon ay nakakpagdulot upang bumaba ang resistensya n gating katawan na makakapagdulot ng sobrang stress at kapag lumala ay nagtutuloy sa kanser.
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya patuloy din ang paggamit nito. Marami ang di nakakaalam sa epekto nito. Lubos man ang ibinibigay nitong mabuting epekto kapalit naman nito ang pagbaba ng ating kalusugan. Gaano man ang ibinibigay nitong tulong di pa rin maipagpapalit ang kalusugan ng isang tao.