Ang Telebisyon o TV ay ginagamit sa telekomunikasyon na sistema para sa broadcasting at mga gumagalaw na larawan at tunog. Ang salitang Telebisyon ay galing sa pinaghalong Latin at Greek na salitang-ugat, na ang ibig sabihin ay “far sight”. Ang dulot ng telebisyon ay maaring positibo ngunit mayroon din itong negatibong epekto. Sa ibang salita, ito ay magagamit para sa edukasyon at libangan ngunit may masamang dulot din ito pag nasobrahan.
b.) Ang paggugol ng oras sa TV ay maaaring maging dahilan para malayo sa mga gawaing nakakatulong sa kalusugan.
Ang Cellphone ay isang teknolohiya na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa tulong o pamamagitan ng tinatawag na cell site. Kung walang cell site ay hindi ito makaka kontak sa gustong kausapin. Ito ay gumagamit ng eloctromaagnetic na radiation na may masamang epekto sa kalusugan kung hindi mag-iingat.Nawawalan ng 30 porsyento na semilya ang mga kalalakihan sa labis na pag gamit nito. Ang paglalagay sa bulsa ng pantaloon at kahit sa oras ng pagtulog ay nakakasama rin.
a.) Ilayo ang Cellphone sa katawan kung hindi kinakailangang gamitin.
b.) Huwag sanayin ang matagal na pag gamit nito.
Ang Kompyuter ay aparatong nagawa para sa pagtatantiya ng may kabilisan, katotohanan at kadalian. Ito ay may tatlong uri: Digital, Analog at hybrid Kompyuters. Ang tatlong uri na ito ay may parehas na konseptong dumepende sa panuto at praktis ngunit magkakaiba sa paraan ng pagtatangggap ng mga bagong palatuntunan. Maaaring base sa manual, modernong salin o awtomatikong paraan.
Ang labis na pag-gamit ng kompyuters ay may apekto sa kalusugan. Ito ay maaaring pisikal at base sa sikolohiya o panlipunan.
Pisikal:
Ang matagal na pag-gamit nito ay nakakadulot ng:
- eye strain at sakit sa ulo dahil dito.
- pagkirot ng mga kalamnan sa leeg, balikat at likod.
- Pagbigat ng timbang sanhi ng kakulangan sa ehersisyo.
- Katiwalian sa tulog.
- Kapabayaan sa tamang pag-aalaga ng sarili.
Base sa sikolohiya o panlipunan:
Ang pag-gamit ng kompyuters ay maaring makaka-adik:
- Mabubukod sa mga kaibigan at pamilya.
- Makakaligtaan ang mga responsibilidad.
- Kasinungalingan kung gaano o ano ang ginagawa sa pag-gamit ng kompyuter.
- Pagiging matamlay at iritado sa oras na mabitin o ma-istorbo habang nagko-kompyuter.
Ang layunin ng makina ng sasakyan ay patakbuhin ang sasakyan sa tulong ng gasolina. Sa ngayon ang paggamit ng gasolina sa loob ng makina ng sasakyan ay ang pinaka madaling paraan para gumana ang sasakyan.
Isipin na may isang simpleng paraan na makakabuti sayo:
b.) Protektahan ang makina ng inyong mga sasakyan.
c.) Magtipid sa paggamit ng gasolina.
1 comment:
1xBet korean free bets ✔️ Bet with KONGBET!
1xbet korean free bets ✔️ Bet with KONGBET! Best betting site in the industry, 1xbet partenaire apk 1xBet allows you to make smarter betting choices and
Post a Comment