Tuesday, March 18, 2008

VI. Lagom ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nais patunayan ang epekto ng labis na paggamit ng teknolohiya sa kalusugan ng tao. Ang teknolohiya na ginagawang mapabilis ang mga Gawain ay mey epekto sa ating kalusugan na amaring makapagdulot ng matinding pagod stress o di kaya ay kanser.

Ilan sa mga teknolohiya nito tulad ng telebisyon, cellphone, kompyuter at kotse ay naglalabas ng radyasyon na isang uri ng carcinogen. Ang carcinogen ay nagbibigay ng posibilidad na magkaroon ng kanser ang isang tao. Sinasabing ang radyasyon ay nakakpagdulot upang bumaba ang resistensya n gating katawan na makakapagdulot ng sobrang stress at kapag lumala ay nagtutuloy sa kanser.

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya patuloy din ang paggamit nito. Marami ang di nakakaalam sa epekto nito. Lubos man ang ibinibigay nitong mabuting epekto kapalit naman nito ang pagbaba ng ating kalusugan. Gaano man ang ibinibigay nitong tulong di pa rin maipagpapalit ang kalusugan ng isang tao.

IX. Sanggunian

Internet:

http://www.nsc.org/issues/rad/risks.htm

http://www.lbl.gov/abc/wallchart/chapters/15/0.html

http://www.bt.cdc.gov/radiation/tagalog/pdf/emergencyfaq.pdf

http://carcin.oxfordjournals.org/cgi/content/full/21/3/397?maxtoshow=&HITS=&hits=&RESULTFORMAT=&fulltext=carcinogenesis&searchid=1018483741899_29510&stored_search=&FIRSTINDEX=125&resourcetype=1

Aklat:

Miller, G. Tyler. Environmental Science, (Singapore: Thompson Learning Asia, 2006).

V. Konseptwal na Balangkas

Friday, March 14, 2008

Panimula

Sa patuloy na pag-usbong ng mga teknolohiya nagagawa na ngayong mapabilis ang mga gawain. Mapapatunayan ito sa mga teknolohiyang madalas gamitin ngayon. Ang mga kompyuters, cellphone, at telebisyon ay nagagamit upang makakalap ng mga impormasyon, balita at madali na para sa pakikipag-komunikasyon. Sa transportasyon mas mabilis na nakakarating sa pupuntahan. Kaya naman inaasa na lang ang mga gawain sa mga teknolohiya.

Ang teknolohiya ay nanggaling sa salitang Griyego na teknologia na ang ibig sabihin ay kasanayan sa sining. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadgets na ginagamit ang kalian lamang natuklasang proseso at prinsipyong maka- agham. Ang teknolohiya ay napapabilis ang mga gawaing dati ay mahirap gawin.

Likas nga’ng ang lahat ng bagay ay may kaakibat na masamang dulot. Kaya nama ito ang mga sumusunod na mga tanong:

  • Paanong ang teknolohiya ay nakakadulot ng masamang epekto sa kalusugan?
  • Anong mga uri ng teknolohiya ang mga ito?
  • Ano-anong mga salik ang nakakapagdulot ng masamang epekto sa kalusugan?

Ayon nga sa kasabihan ang lahat ng sobra ay nakakasama. Alinsunod sa kasabihang ito na ang labis na paggamit ng mga teknolohiyang ito tulad ng telebisyon, cellphone, kompyuter at sasakyan ay nakakahigit ang nakakaapekto sa kalusugan.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay magbibigay impormasyon, babala at solusyon ukol sa mga teknolohiya na nakakapagdulot ng kanser. Mahalaga ang pananliksik na ito upang mapalawak ang kaalaman ng karamihan sa epekto ng teknolohiya sa komunidad.

I. Mga uri ng tao ng kadalasang gumagamit ng teknolohiya

Ang mga estudyante na madalas gumamit ng mga teknolohiya tulad ng kompyuters, telebisyon at cellphone. Ginagamit nila ito sa mga sumusunod na dahilan: (a) Upang makakalap ng impormasyon para sa mga gawaing pang-eskwelahan; (b) Pakikipagkomunikasyon sa iba’t- ibang lugar; (c) Napapabilis ang mga gawaing pampaaralan at; (d) Panlibangan.

Halos lahat ng teenagers ngayon ay gumagamit ng kompyuter, cellphone, telebisyon at iba- iba pa. Sa paggamit ng kompyuter, ay maraming na-aadik lalo na at mas nagiging moderno ito sa ngayon pati na rin ang pagkakaroon ng on-line na mga laro. Sa cellphone naman ay isang bisyo na ng mga teenagers ang paggugol ng oras sa kaka-text at kakatawag kahit hindi importante. Dahil sa pagkakaroon ng unlimited call at text ng iba’t-ibang network sa pilipinas ay mas dumadami pa ang gumagamit ng cellphone. Sa telebisyon naman ay halos hindi na makakain sa tamang oras dahil sa pinaka-aabangang pelikula at hindi na nalilimitahan ang panonood.

Ang mga estudyante at mga teenagers ay may malaking posibilidad na magkaroon ng cancer sa utak dahil ayon sa mga siyantipiko ay ang skull ng mga kabataan ay manipis at hindi pa nito gaanong nakakayang maprotektahan ang ating utak kaya madali itong maapektohan ng mga katangian at salik ng teknolohiya na nagiging dahilan ng kanser.

Ang ekonomiya ng ating bansa ngayon, ang komunikasyon, gawain at mga transaksyon sa pangangalakal ay napapadali at napapabilis na dahil sa paggamit ng mga propesyonal at mga mangangalakal ng mga modernisadong teknolohiya tulad na lamang ng mga sumusunod: (a) cellphone – para mapabilis na nila ang mga transaksyon sa madaling paraan; (b)kompyuter – para magkaroon ng organisado at madaling hanapin ang mga mahahalagang dokumento; (c) telebisyon – mahalaga ang telebisyon sa mga mangangalakal at mga propesyonal dahil dito sila nakakakuha ng mga impormasyon tulad ng balita tungkol sa ating ekonomiya na makakaulong sa kanilang mga negosyo at; (d) kotse – ginagamit nila ito upang mapabilis ang transportasyon.

Ang mga mangangalakal naman ay sa mga may posibilidad na magkaroon ng testicular cancer lalo na sa mga lalaki. Dahil sa kadalasang paglalagay nila ng kanilang mga cellphone sa kanilang mga bulsa. Kadalasan din nagdadala na sila ng PDA or personal digital assistant na isang uri din ng kompyuter na portable lang. kaya maari nadin nilang ilagay ito sa kanilang bulsa. Kaya naman madali lang silang maapektohan ng mga salik at katangian ng teknolohiya.

II. Mga ilang teknolohiya na nakakapagdulot ng kanser

Ang Telebisyon o TV ay ginagamit sa telekomunikasyon na sistema para sa broadcasting at mga gumagalaw na larawan at tunog. Ang salitang Telebisyon ay galing sa pinaghalong Latin at Greek na salitang-ugat, na ang ibig sabihin ay “far sight”. Ang dulot ng telebisyon ay maaring positibo ngunit mayroon din itong negatibong epekto. Sa ibang salita, ito ay magagamit para sa edukasyon at libangan ngunit may masamang dulot din ito pag nasobrahan. Karapatdapat para sa mga magulang na pag isipan kung ano ang bahaging gagampanan ng Telebisyon sa kanilang pamilya. Isaalang-alang ang mga sumusunod:

a.) Ang mga mananaliksik ay sinuri kung paano nakakaapekto ang TV sa karamihan. Ang mga ilan ay naapektuhan ang pagtulog, bigat o timbang, grado, mga kilos o gawi at iba pa.

b.) Ang paggugol ng oras sa TV ay maaaring maging dahilan para malayo sa mga gawaing nakakatulong sa kalusugan. Gaya ng paglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan, kumain kasama ang pamilya o pagbabasa. Ito ay maaari ring hadlang sa pagiging aktibo sa mga laro o sports, musika o anumang Gawain na mas makakatulong.

Ang Cellphone ay isang teknolohiya na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa tulong o pamamagitan ng tinatawag na cell site. Kung walang cell site ay hindi ito makaka kontak sa gustong kausapin. Ito ay gumagamit ng eloctromaagnetic na radiation na may masamang epekto sa kalusugan kung hindi mag-iingat.Nawawalan ng 30 porsyento na semilya ang mga kalalakihan sa labis na pag gamit nito. Ang paglalagay sa bulsa ng pantaloon at kahit sa oras ng pagtulog ay nakakasama rin.

Ang World Health Organizatiion (WHO) ay nagbigay ng mga rekomendasyon ukol dito, gaya ng:

a.) Ilayo ang Cellphone sa katawan kung hindi kinakailangang gamitin.

b.) Huwag sanayin ang matagal na pag gamit nito.

Ang Kompyuter ay aparatong nagawa para sa pagtatantiya ng may kabilisan, katotohanan at kadalian. Ito ay may tatlong uri: Digital, Analog at hybrid Kompyuters. Ang tatlong uri na ito ay may parehas na konseptong dumepende sa panuto at praktis ngunit magkakaiba sa paraan ng pagtatangggap ng mga bagong palatuntunan. Maaaring base sa manual, modernong salin o awtomatikong paraan.

Ang labis na pag-gamit ng kompyuters ay may apekto sa kalusugan. Ito ay maaaring pisikal at base sa sikolohiya o panlipunan.

Pisikal:

Ang matagal na pag-gamit nito ay nakakadulot ng:

  1. eye strain at sakit sa ulo dahil dito.
  2. pagkirot ng mga kalamnan sa leeg, balikat at likod.
  3. Pagbigat ng timbang sanhi ng kakulangan sa ehersisyo.
  4. Katiwalian sa tulog.
  5. Kapabayaan sa tamang pag-aalaga ng sarili.

Base sa sikolohiya o panlipunan:

Ang pag-gamit ng kompyuters ay maaring makaka-adik:

  1. Mabubukod sa mga kaibigan at pamilya.
  2. Makakaligtaan ang mga responsibilidad.
  3. Kasinungalingan kung gaano o ano ang ginagawa sa pag-gamit ng kompyuter.
  4. Pagiging matamlay at iritado sa oras na mabitin o ma-istorbo habang nagko-kompyuter.

Ang layunin ng makina ng sasakyan ay patakbuhin ang sasakyan sa tulong ng gasolina. Sa ngayon ang paggamit ng gasolina sa loob ng makina ng sasakyan ay ang pinaka madaling paraan para gumana ang sasakyan.

Isipin na may isang simpleng paraan na makakabuti sayo:

a.) bawasan ang mapanganib sa kalusugan at pamilya.

b.) Protektahan ang makina ng inyong mga sasakyan.

c.) Magtipid sa paggamit ng gasolina.

III. Mga Katangian ng Teknolohiya na nagiging dahilan ng sakit na kanser

Sang-ayon ang mga siyentipiko ngayon na may isa pang uri ng polusyon ang hindi nabibigyang pansin, hindi na aamoy, hindi nakikita ngunit may potensyal na nakamamatay. Mga electromagnetic frequencies na nilalabas ng mga kagamitan sa bahay na ginagamitan ng kuryente, tulad ng telebisyon. Ang mga electromagnetic frequencies na ito ay tinatawag na Radyasyon.

Ang radyasyon ay isang anyo ng enerhiya na matatagpuan sa paligid natin. May iba-ibang uri ng radiation, ang ilan sa mga ito ay nagtataglay ng mas maraming enerhiya kaysa iba. Ang dami ng radiation na inilalabas sa kapaligiran ay sinusukat sa mga yunit na tinatawag na curies. Gayunman, ang dosis ng radiation na natatanggap ng isang tao ay sinusukat sa mga yunit na tinatawag na rem. (http://www.bt.cdc.gov/radiation/tagalog/pdf/emergencyfaq.pdf)

Ang mga tao ay nahahantad sa kaunting radiation araw-araw, mula sa likas na nagaganap na pinanggagalingan (tulad ng mga elemento sa lupa o cosmic rays mula sa araw), at mga pinanggagalingan na gawa ng tao. Sa mga pinanggagalingan na gawa ng tao ay kabilang ang ilang elektronikong kagamitan (tulad ng mga microwave oven at telebisyon), mga pinanggagalingang medikal (tulad ng x-ray, mga partikular na pagsusuri, at mga paggamot), at mula sa pagsusuri ukol sa mga sandatang nukleyar.

Ang Electromagnetic radiation naman ay ang mga nilalabas ng mga wireless device na mga bagay. At microwaves hindi lang nakukuha sa mga microwave ovens kong saan niluluto ang pagkain kundi sa mga malilit na bagay tulad ng remote control sa telebisyon, telepono, kompyuter signals at mga sasakyan. Ayon sa mga siyentipiko, ito daw ay tinatawag na electropollution. Sinasabi naman ng mga environmentalist na ito ay nakaka-apekto na sa mga kalusugan ng nila araw-araw na walang kaalam-alam sa masamang epekto naidudulot sa kanila.
Meron pang iba't-ibang uri ng radyasyon tulad ng mga Infrared, Bluetooth at Signal na tinatransmit ng mga cellphone ay nakakadagdag din sa nahahantad na radyasyon sa kapaligiran.

Sa katunayan, ang inyong minamahal, mga anak at pati na rin ikaw ay mas expose na sa electromagnetic frequencies, electromagnetic radiation, at microwaves kaysa sa mga lolo at lola niyo na hindi masyadong nakakagamit dati ng mga bagay high-tech.

At ngayon, isa sa mga pinagmulan ng tinatawag nilang electropollution, ito ay ang gamit-gamit niyo araw-araw upang makipag-komunika at kadalasang ginagawa na din libangan ng karamihan, ang cellphone. Noong 1993 ay may isang napabalitang insidente na ang may tao na sinampahan ang isang kompanya ng cellphone dahil sa nalaman na ang brain tumor ng kanyang asawa ay dahilan sa sobrang paggamit ng cellphone. Isang brain tumor na kahugis daw ng antenna sa cellphone na ginagamit ng kanyang asawa. Na nagtulak sa industriya ng cellphone upang patunayan lamang na ang cellphone ay hindi nagbibigay ng ganoong epekto sa mga gumagamit nito. Ngunit sa kabila ng gustong mangyari ng industriya ng cellphone ay ang napag-alaman na totoong ito ay nagiging sanhi ng tumor sa utak ng tao na maaaring ma-develop sa cancer, neurological disorder at genetic disorder. Sinasabing 25% ang nagkakaroon ng cancer simula nang umusbong ang cellphone. At sa araw-araw nilang paggamit nito maaring sila din ay magkaroon na ng possibilidad na magkaroon na sila ng cancer.

Kung ikaw naman ay gumagamit ng laptop computer, at ito ay nilalagay mo sa iyong “lap” ito ay may malaking porsyento na maaring magdulot sa iyo ng testicular cancer. Ang Electromagnetic frequencies, electromagnetic radiation at ang microwaves ay nilalabas ng mga laptop kompyuter.